Selebrasyon
Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang munisipalidad.Kahalagahan ng Wika
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.
Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento